Kabuhayan at kalusugan hatid ng durian

NAKATIKIM ka na ba ng durian o nakakita ka na ba nito?  Ito ay isang uri ng prutas na tinaguriang “king of fruits” dahil maituturing na kakaiba hindi lamang sa balat nitong makapal at matutulis at isa sa pinakamahal na prutas na mula sa mga bansang ASEAN.

“Durian smells like hell and tastes like heaven,” ayon sa iba.  Sa una, talagang isususmpa mo ang prutas na ito kapag naamoy mo pero mamahalin mo kapag nasimulan mo nang kainin.  Katunayan, dahil sa matapang at umaalingasaw na amoy nito, bawal itong i-hand carry sa biyahe sa mga eroplano.

Kilala ang durian na sagana sa lalawigan ng Davao.  Dahil sa tumataas ang consumption o kumakain ng durian sa local consumers at mga dayuhan, lumawak din ang mga lupain na inilaan para sa pataniman ng nasabing puno.

Katunayan, ayon sa talaan ng Southern Mindanao Agriculture and Resources Research and Development Consortium (SMARRDEC), sa Southern Philippine lamang ay nakapagtala na ng 96 porsiyento ng ‘overall domestic production.’

Sa ngayon, para sa mga taong hindi pa rin ma-take ang pagkain ng fresh durian, nag-develop ang Department of Science and Technology (DOST) ng iba’t ibang produkto mula sa processed durian gaya ng kendi, chips, jam, at frozen durians.  Ito ay para lalong ma-appreciate ng publiko ang ‘wonders’ ng tinatawag na “giant fruit.”

Rosario’s Fruit Stop

Ang Rosario’s Fruit Stop ay isa sa prodyuser ng durian mula sa tinatayang 30 ektaryang lupain sa Wangan, Calinan, Davao City.  Ito ay pag-aari at mismong pinangangasiwaan ni Magsasaka Siyentista (MS) Severino Belviz at ang anak na si Emmanuel.

Sa katatapos na 8th International Food Exhibition (IFEX) Philippines 2011 na ginanap sa SMX Convention Center, Mall of Asia (MOA) nitong Mayo 12-14, 2011, isa ang Rosario’s Fruit Stop na lumahok sa ‘showcasing’ ng kanilang mga produkto mula sa durian.

Ang IFEX ay hated ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), Attached agency of the Department of Trade and Industry (DTI, Philippines) at ng Agribusiness Marketing Assistance Service-Department of Agriculture (DA-AMAS).

Dahil may sariling plantasyon ng durian, pinangasiwaan naman ni Mary Grace Belviz, manugang ni MS. S. Belviz, ang pagtuklas ng processed products mula sa durian.

Ipinangalan ang nasabing durian farm sa asawa ni G. Belvis (MS) na si Rosario.

Aniya, sa isang taon, 2 beses kung mag-ani sila ng durian.  “May tinatawag tayong peak season mula Agosto hanggang Setyembre. Ang low peak namay ay mula sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo.  Sa mga buwan na ito mataas ang presyo ng durian.

Aminado si Mary Grace na hanggang sa ngayon ay patuloy niyang pinag-aaralan ang “shelf life” ng bawat produkto para makasabay sa merkado.

“Sinisimulan ko muna sa sarili ko ang pag-eeksperimento sa processed products, then pag medyo may kulang at kailangang i-improved, sumasangguni ako at sumasailalim sa training sa ITDI-DOST Region.  Hindi ako nagmamadali at talagang pinag-aaralan kong mabuti.  Anyway, wala naman problema sa raw materials dahil sarili namin ang farm,” ani Grace.

“Nagsimula ako sa  P20,000 noong 2001 bilang puhunan at nakabawi na rin naman ako.”

DOST SET-UP

Taong 2006, nag-apply ng SET-UP ng DOST si Mary Grace at naaprubahan ito noong 2009 sa halagang P90,000 lamang para sana pambili ng vacuum machine sa maramihang paggawa ng durian jam.  “That time P65K (P65,000) lang ang presyo nito.  Ang binili namin ay yung mas mahal, ang cooker mixer na nagkakahalaga ng P180,000.  Nanghiram na lang ako ng another P90K (P90,000) sa mga kaibigan ko para makabuo ng P180K (P180,000),” ani Mary Grace.

Dahil baguhan sa pagnenegosyo, aminado si Grace na natatakot siyang mangutang ng malaki dahil baka hindi niya mabayaran at ayaw niyang mabigyan ng kahihiyan ang kaniyang father-in-law.

Ang SET-UP ay isang ahensiya ng DOST na nagbibigay ng ayuda sa mga potensiyal na negosyanteng maliliit.

Cooker Mixer

Ito ay naglalaman o may kapasidad na 40 litro.  Pero ayon kay Grace, umaabot lamang ng 20 kilos ng durian fruit ang niluluto niya dito.  “Para hindi mag-suffer ang quality ng lasa.  Kasi pag marami, hindi na masyadong nahahalo at hindi na nakukuha yung dapat na gusto nating lasa.

Inaabot aniya ng 2 at kalahating oras ang pagluluto ng durian jam.  Hindi pa kasama ang preparasyon nito, ang mano-manong paghihimay sa laman ng prutas, paglilinis ng mga bote.

“Pakayawan ang bayad ko sa naghihimay…minsan 3x a week.  Medyo matrabaho ang preparation para sa durian jam.”

“Sa 20 kilos nakagagawa ako ng 27 bottles (12 ounces),” dagdag pa ni Mary Grace.

Sa ngayon, kumikita naman ang durian processed foods ko.  Nababayaran ko yung ilang workers ko at nakakabayad pa ng mga utang ko.  Ang advantage ko rin kasi wala akong binabayaran na rentals.  Lahat sa bahay ko ito ginagawa,” ani Grace.

Hindi pa rin handa si Grace na tumanggap ng franchising sa ngayon dahil hindi pa siya handa sa mga prosesong pagdadaanan.

Nagbibigay din siya ng basic lecture/training kung paano ang proseso ng processed products.  “Pero hindi ako nagpapapasok sa bahay para sa training kasi nakaka-hamper ng operation eh.  Sa labas lang, ok na yun, wika pa ni Grace.

Nakatakda din niyang pag-aralan ang paggawa ng durian pie.

Aphrodisiac?

Pinatunayan ng maraming local consumers sa Davao, babae at lalaki na maituturing na aphrodisiac ang durian dahil kakaibang epektong dulot nito sa katawan ilang minuto matapos makakain ng prutas nito.

“Totoo yun na aphrodisiac ang durian kasi nakapagpapainit ng katawan mo,” ani Mary Grace. “ ‘Yan din ang sabi ng mga taga-Davao na lalaki na mahilig sa durian.

Subali’t mananatiling kuro-kuro lamang ang mga testimonya ng mga lokal na residente ng Davao kaugnay sa ‘sexual reaction’ ng prutas sa pakikipagtalik dahil wala pang isinasagawang pormal na pag-aaral bilang patunay na pwedeng ituring na aphrodisiac ang giant fruit.

Benepisyong pangkalusugan ng durian fruit

§         Ang durian fruit, gaya ng saging, avocado at langka ay mayaman sa enerhiya,  minerals and vitamins.

§         Taglay nito ang simple fats bilang pamalit sa nawalang enerhiya;  maaring  supplement food sa mga batang kulang sa timbang. Ligtas ito sa kolesterol bagama’t taglay nito ang mataas na amount ng fats.

§         Mayaman ito sa dietary fiber. “The fiber content helps to protect the colon mucous membrane by decreasing exposure time and as well as binding to cancer causing chemicals in the colon.”

§         Mabuting pinagkukunan ng antioxidant vitamin-C (about 33% of RDA) ang durian.. “Consumption of foods rich in vitamin C helps body develop resistance against infectious agents and scavenge harmful free radicals.”

§         The fruit is an excellent source of many health benefiting B-complex groups of vitamins; a rare feature among fruits, such as niacin, riboflavin, pantothenic acid (vitamin B5), pyridoxine (vitamin B-6) and thiamin (vitamin B-1). These vitamins are essential in the sense that body requires them from external sources to replenish.

§         Mayaman din ito sa copper na mahalaga sa produksiyon  ng red blood cells. “Iron is required for red blood cell formation.”

§         Mayaman din ang durian fruit sa potassium. “Potassium in an important electrolyte of cell and body fluids that helps controlling heart rate and blood pressure.”

§         Mayaman din ito sa high levels ng mahalagang  amino acid,  ang tryptophan (na kilala din bilang “nature’s sleeping pill”).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply