Kabuhayan, kalusugan hatid ng ‘Kaffe Botanica’

KILALA ang kape bilang panggising dahil sa taglay nitong caffeine.  Madalas sinasabi ng ating nanay at tatay na huwag kang iinom ng kape sa gabi dahil hindi ka makakatulog at mananatiling gising ang diwa mo.

Hindi rin matatawaran ang pagkahilig ng mga Filipino sa kape anuman ang panahon, tag-ulan man o tag-init.

Subali’t sa pagbabago ng panahon, kasabay ang pagsilang ng mga makabagong teknolohiya at pananaliksik, na-improved na ang kape hindi lamang bilang panggising sa umaga habang nag-aalmusal kundi napatunayang may hatid na kabutihan sa ating kalusugan sa araw-araw.

Ang mga produkto ng “Kaffe Botanica” ay imbensiyon ng isang propesor mula sa New Era College, Quezon City; kape at chocolate. Sa pamamagitan ng kaniyang masusing pananaliksik at pag-aaral sa loob ng ilang taon, na mga taon kaugnay sa mga katangian ng Agaricus Mushroom, Ganoderma, Grape seeds, Malunggay at  Green Tea, nagresulta ito sa mga produktong nakapagpapalakas sa kalusugan ng tao at maaring ituring na makapangyarihang anti-oxidants.  Nilikha niya ang kape at tsokolate na angkop na inumin para sa matatanda gayundin sa mga bata taglay ang mga benepisyong pangkalusugan.

Ang Kaffe Botanica 12 in 1 ay nagsisilbi din bilang food supplement at sugar free para sa mga taong diabetic.  Taglay nito ang 12 mahahalagang sangkap para na napatunayang nakatutulong sa ating katawan.

Ayon kay Mr. Gene Lapira, general manager ng Kaffe Botanica, na base sa komprehensibong pananaliksik at pag-aaral sa 12 nasabing mga sangkap, bawat isa ay may medicinal value na tiyak na patok sa panlasang Pinoy.

COFFEE BEANS
• Kilala ito bilang stimulant at taglay ang anti-oxidant properties at nakapagpapataas ng enerhiya.
• Nakatutulong na mabawasan ang panganib dulot ng mga sakit kabilang ang type 2 diabetes, Parkinson’s, colon cancer, cirrhosis, gall stone, depresiyon at marami pang gaya nito.

PURE COCOA
• Mahusay na pinagkukunan ng catechins o kemical na pinaniniwalaang nakatutulong laban sa sakit sa puso, cancer at iba pang kalagayabng medical.

GRAPE SEEDS
• Mabuting source ng oligomeric proanthocyanidins (OPC), o mas kilala bilang mas makapangyarihang antioxidants kesa sa vitaminC, E, at beta carotene
• Mayaman sa polyphenols, isang kemikal na mataas sa antioxidant properties
• 20 ulit na mas potent kesa Vitamin C, at 50 ulit na mas malakas kesa sa Vitamin E

MALUNGGAY
• Kilala ang malunggay bilang excellent source ng nutrisyon at natural energy booster
• Mayaman sa mga bitamina at amino acid
• Apat na ulit ang taglay na vitamin A sa carrots, tatlong ulit ang iron sa spinach, apat na ulit ang calcium sa gatas at tatlong ulit ang taglay na potassium sa saging.

AGARICUS
• Taglay nito ang immune system boosting capability, isang pagkaing mababa sa calorie at mayaman sa minerals
• Kinikilala bilang alternatibong pangsuporta sa paggagamot ng mga karaniwang sakit kabilang ang kanser.
• May taglay din tong fibers, vitamins at amino acids
• Nakatutulong sa maayos na blood circulation dahilan para hindi madaling kapitan ng sakit, nakababawas ng physical stress, at naaagapan ang pagkakaroon ng peptic ulcer
• Nakatutulong sa diabetics, nakababawas ng kolesterol, tumutulong sa ating panunaw at pumipigil sa blood vessel
regeneration

GINGKO BILOBA
• Mayaman ito sa Asian region at popular sa China at Japan bilang bahagi ng kanilang tradisyunal na pagkain at gamit sa medisina.
• Nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng enerhiya, memorya at concentration, pinahuhusay ang kundisyon ng mga mata at tainga sa pamamamgitan ng maaayos na pagdaloy ng dugo patungo sa utak at pinabubuti ang sirkulasyon sa kabuuan.

GINSENG
• Kilala ito bilang adaptogens, stimulants, at ginagamit bilang aphrodisiac sa ilang rehiyon sa Asya.
• Pinatitibay ang katawan na labanan ang anumang stress
• Pinabubuti ang circulation at mahusay sa lagnat at  respiratory tract disorders
• Nakadaragdag ng resistensiya laban sa physical, chemical at  biological stress at nakapagdaragdag ng higit pang enerhiya at katatagan ng katawan sa kabuuan.
• General vitality
• Naiibsan ang anxiety, pagkahapo at stress

GREEN TEA
•Ginagamit bilang isang stimulant at nakatutulong na magkaroon ng maayos na kalusugan sa puso.
•Ni-regulate nito ang body temperature at blood sugar, nagpapahusay sa ating panunaw, at pinatatalas ang ating pag-iisip.
• Nakatutulong ito na mapabuti lahat ng nararamdaman sa katawan mula sa pananakit ng ulo hanggang sa depresyon.
• Tumutulong na mabawasan ang timbang sa pamamamagitan ng pagsusunog ng higit pang calories at nakapipigil din sa pagkasira ng ngipin.

MANGOSTEEN
• Taglay nito ang nutrients at lakas ng antioxidant
• Nagpapatibay sa immune system at nagpapababa sa panganib laban sa mga sakit ng tao
• Nagsisilbi bilang antibacterial treatments para sa  dysentery at iba pang uri ng infectious diarrhea
• Ginagamit din laban sa mga sugat, gonorrhea, urinary tract infections, malaria at minsan sa tuberculosis
• Nakatutulong sa pangangalaga sa intestinal health, healthy cardiovascular system, nagpo-promote na healthy, seasonal respiratory system, at nakapagdaragdag sa metabolism
• Mahusay din ito sa pagtulong sa pagbibigay ng ng mas malusog na body structure at tissue repairs

SPIRULINA
•Isang 3g (6 x 500 mg tablets) serving ay nakapgsu-supply ng nutritional equivalent ng two servings ng sariwang gulay.
•Mayaman sa antioxidants. Nagpapalakas ng enerhiya at cellular health.
•Mahigit sa 60 porsiyento easy-to digest all-vegetable protein
•Nagtataglay ng mataas na B-12 at easy-to absorb iron

Sinabi pa ni Lapira na ilang buwan mula ngayon ay ipakikilala na rin sa merkado ang Kaffe Juice na taglay ang 10 sangkap mula din sa mga halaman at prutas.

Nagsimula ang Kaffe Botanica sa capital na P450,000.00 noong 2009 at hindi na rin matawaran ang pagsikat nito dahil sa taglay na benepisyong pangkalusugan.

“Sa ngayon mayroon na kaming 50 distributors nationwide at umaasang marami pa ang mag-a-avail nito sa mga susunod na taon,” ani Lapira.

Bukas ang Kaffe Botanica sa dealers/distributors na nais magkaroon ng kabuhayan. Makipag-ugnayan lamang kay Mr. Lapira sa kaniyang email:  kaffebotanica@hotmail.com para sa mga interesado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply