Kagubatan sa Pinas patuloy na nakakalbo

NASA apat na milyong ektarya na lamang o 13 porsiyento ang nalalabing kagubatan sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Rep. Isidro Lico ng Ating KOOP Party-list dahil na rin aniya sa iligal na pagmimina, pagtotroso, at iba pang gawaing nakakasira sa kagubatan at sa kapaligiran na nagiging sanhi na ng malawakang pagbaha at landslides na nagreresulta sa kamatayan ng maraming mamayan.

“Nasa 70% ng mangrove forests ay nasira na, 40% ng ating watersheds ay patuloy na nasisira at
bumabagsak, 50% ng pangisdaan ay naaabuso, at malawak na rin ang nasisira at puno na ng polusyon sa mga korales ng bansa dahil sa iligal na mga gawain at pangingisda,” ani Lico.

Dahil dito, nanawagan na ang mambabatas sa administrasyon na kumilos upang palakasin at higpitan ang mga batas na makakatulong upang mapangalagaan ang kagubatan at ang buong kapaligiran ng bansa.

Babala pa ni Lico, kung hindi kikilos ngayon ay baka maging huli na ang lahat bukas dahil hindi napipigilan  ang pagsasamantala sa kagubatan at kapaligiran. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply