Kahit ayaw, De Lima unang OMB nominee

BAGAMAN nagpahayag na hindi interesado sa pwestong nabakante ni Merceditas Gutierrez, si Justice Secretary Leila De Lima ay nominated pa rin sa Judicial and Bar Council (JBC) na maging bagong ombudsman.

Si de Lima ay ni-nominate ni Asst. Prosecutor Romeo Senson. Sa isang pahinang liham nito sa JBC, sinabi nito na ang pagiging matapang at “incorruptible” ni de Lima ang siyang hinahanap sa bagong ombudsman upang maipatupad ang kinakailangang reporma at laban kontra korupsyon.

“Secretary de Lima would be the best person (as) ombudsman as she’s displayed an ‘incorruptible’ stand, integrity beyond reproach and character par excellence in public service,” nakasaad sa liham ni Senson.

Inihalimbawa pa nito ang naging magandang reputasyon ni de Lima noong ito ay Chairman pa ng Commission on Human Rights bago naitalaga sa DoJ kung saan naging matapang umano ito sa pakikipaglaban sa karapatan ng bawat isa na tiyak umano na ung maitatalaga sa Office of the Ombudsman ay magiging sinsero din na maipatupad ang batas laban sa mga nagkasalang government officials.

Ihinalimbawa pa nito ang magandang reputasyon ni de Lima noong chairman pa ito sa Comission on Human Rights bago naitalaga sa Department of Justice (DOJ). Sa DOJ naman ay naging matapang umano ito sa pakikipaglaban sa karapatan ng bawat isa.

Dahil dito, tiniyak umano ni Senson na kung maitatalaga ito sa Office of the Ombudsman, magiging sinsero rin na maipatupad ang batas laban sa mga nagkasalang government officials.

“Although Secretary De Lima would be a great loss to the DOJ, it would, however, be in the public’s interest if she would fill up the post,” giit pa ni Senson.

Hanggang sa Mayo 16 ang itinakdang deadline ng JBC para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa bakanteng pwesto sa Office of the Ombudsman. Pagkaraan nito ay sisimulan na ang selection process at ang pagsusumite ng shortlist kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply