Kahit walang premyo, Donaire hinamon ng rematch ni Darchinyan

MULING hinamon ni Vic Darchinyan ang isa sa mga pound-for-pound boxers sa mundo na si Nonito Donaire na harapin siya sa ikalawang pagkakataon.

Ayon kay Darchinyan, payag siya kahit na ibigay niya kay Donaire ang kanyang premyo basta  matuloy lang ang kanilang rematch.

Sinabi niya na apat na taon na siyang humihingi ng rematch dito ngunit ayaw siyang pagbigyan ng Pinoy ring icon.

“For over 4 years, Donaire would not agree for a rematch. I want to show him what I’m capable of, yet I can’t get him to agree. I even offered to let him have my fee in exchange for a match,” pahayag ni Darchinyan.

Subalit sinabi ng mga kritiko na mahihirapan si Donaire na gumalaw ngayon lalo pa at nagkakaroon ng bangayan ang Golden Boy promotions ni Oscar de la Hoya at Top Rank na pag-aari ni Bob Arum.

Lumagda kasi si Donaire ng kontrata sa GBP kahit na may umiiral pa itong kasunduan kay Arum dahilan upang hindi matuloy ang bout niya ngayong buwan sana ng Mayo.

Naniniwala rin ang marami na ang rematch ni Donaire kay Darchinyan ay makabubuti hindi lamang sa kanya kundi maging sa boxing.

Ngunit  bago ito, ayon sa mga kritiko, kailangang ayusin niya muna ang kanyang gusot na pinasok sa GBP at bumalik sa Top Rank kung nanaisin ng boksingero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply