Kalaguyo ni misis, pinagtataga ng mag-utol

NAHAHARAP sa kasong pagpatay ang isang batam-batang ama ng tahanan at kapatid nito nang pagtulungang pagtatagain ang kalaguyo ng misis ng una sa Camarines Sur noong Mayo 19.

Sinabi ni Police Officer 2 Dave John de Quiroz, chief investigator ng Sagñay Municipal Police Station, ang biktima na si Joven Tadeo, 34,  ng Sitio Bolo, Barangay Tinorongan, Sagñay, Camarines Sur ay halos hindi na makilala sanhi ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa testigong si Bernabe Dimaiwat, nasa labas siya ng bahay ng kanyang biyenan nang nakita niya ang biktima na hinahabol ng mga suspek na sina Eddie at Joel Casimero, 35 at 28-anyos dakong 7:30 pawang may bitbit na mga bolo.

Nang maabutan ay pinagtulungang pagtatagain ng magkapatid ang biktima at nagsitakas nang masigurong patay na si Tadeo.

Nabatid na matinding selos ang nagtulak kay Eddie para patayin ang kalaguyo ng kanyang misis nang maaktuhan niyang nagtatalik ang dalawa sa loob ng kanilang bahay na tinulungan naman  siya ng kanyang kapatid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply