Kalusugan dapat batayan din sa pagpili ng Ombudsman

BAGAMAN maganda ang imahe at integridad ni Supreme Court Justice Conchita Carpio Morales, naniniwala si Sen. Miriam Defensor Santiago na hindi na kakayanin pa nito kung sakaling ito ang italaga bilang bagong Ombudsman.

Ani Santiago, nakatakdang magretiro na si morales sa SC sa darating na Hunyo sa edad na 70 at mas makakabuting mag-relax na lamang ito at i-enjoy ang kanyang pagreretiro.

 Iginiit ng senadora na batid naman ang matinding trabaho sa Office of the Ombudsman na posibleng makakaapekto ito sa kalusugan ni Morales.

 Aniya, dapat hindi lamang magaling kundi medyo bata pa ang italagang Ombudsman para may lakas ito na harapin ang lahat nag trabaho at kasong hinahawakan.

 Nauna rito, umuugong ang balita na si Morales ang napupusuan ni Pangulong Noynoy Aquino na ipapalit kay resigned Ombudsman Merceditas Gutierrez sa sandaling magretiro ito sa SC.

Hindi naman matatawaran ng integridad at prinsipyo ni Morales sa SC na kung saan siya mismo ang personal na pinili ni Aquino para sa kanyang panunumpa bilang bagong Pangulong ng bansa noong nakaraang taon.

 Sinabi rin ni Santiago, may grupong nagsusulong kay Morales para ito ang pumalit kay Gutierrez.

 Gayundin, lumulutang ang pangalan ni Justice Secretary Leila de Lima para sa posisyon sa Ombudsman.

 Ayon kay Santiago, puwede sa posisyon si de Lima dahil sa may lakas pa ito para maharap ang mga kasong hawak nag Ombudsman. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply