Kamag-anak ng pinaslang na media man nadismaya

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega sa matagal na pag-usad ng kaso sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Dr. Patria Ortega, asawa ni “Doc Gerry,” ang kaso ng pagpaslang sa kanyang asawa ang magmimistulang test case kung talagang umiiral ang press freedom sa bansa.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ni Ortega, na noong ika-1 ng Mayo natapos na ang 90-day prescribed period para malutas ang kaso at makapagpalabas ng resolusyon ang DOJ.

Samantala, nagpahayag naman ng pangamba ang kampo ni Ortega matapos makarating sa kanila na may subpoena nang ipinalabas laban sa kanilang testigo na si Rodolfo Edrad.

Ayon kay Roque, nagulat sila nang malamang kinasuhan ng murder sa Palawan si Edrad gayong wala namang ginawang preliminary investigation dito.

Nangangamba rin ang mga ito s kaligtasan ni Edrad, na nasa ilalim ng Witness Protection Program ngayon, dahil sa panganib na maaaring idulot kapag naalis ito sa programa.

Bukod sa manganganib ang buhay ng testigo, malalagay din umano sa peligro ang kaso. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply