Kamara hands off sa PAL vs PALEA

WALANG magagawa ang Kamara sa sigalot sa pagitan ng Philippine Airlines at mga empleyado nito.

Ito ang naging pag-amin ni  House Committee on Labor and Employment Chairman at Northern Samar Rep. Emil Ong sa pagsasabing walang kapangyarihan ang mga kongresista na resolbahin ang hidwaan sa pagitan ng PAL at PALEA (Phil. Airlines Employees Association).

Sa pagdinig ng House Committee on Labor ay ipinaliwanag ni Ong na ang imbestigasyon Kongreso ay “in aid of legislation” upang masusugan at lumikha ng mga panukala na maaaring gumamot sa sitwasyon.

Subalit, humirit pa rin ang Partido ng Manggagawa (PM) na madaliin na ang paglalabas ng committee report ng House Committee on Labor and Employment sa isyu ng “security of tenure” na naglalayong mas higpitan ang batas sa contractualization.

Ayon kay Partido ng Manggagawa Chairman Renato Magtubo, naiintindihan nila ang posisyon ng komite ngunit mas matutulungan tiyak ang mga obrero kung mailalabas na ang committee report upang maisalang na sa deliberasyon sa plenaryo.

Nakapaloob  sa panukala na hihigpitan na ang umiiral na contractualization law  bagama’t hahayaan pa rin ang “outsourcing” depende sa pangangailangan ng isang pribadong kumpanya.

Ikinatuwiran pa ni Magtubo na isang taon nang nasa status quo ang kaso ng PAL at PALEA at nasa malakanyang na ang bola para sa ikakaresolba nito.

Sa panig naman ng PAL ay tiniyak din na bukas sila sa anumang negosasyon sa pagitan ng mga nag-aalburuto nitong mga manggagawa.

Nilinaw pa ng PAL na wala pa silang tinatanggal na mga empleyado dahil hindi pa naipatutupad ang kanilang planong outsourcing. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply