Kano na suspek sa pagpatay sa asawang Pinay naaresto

NABUKING ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Amerikano na umano’y pumatay sa kanayang asawang Filipina sa Las Vegas, Nevada.

Nabatid sa naging  pahayag  ni NBI-Central Luzon Regional Director, Atty. Ric Diaz, ang 53-anyos na si .Hugh Cave na may kasong murder sa Estados Unidos kaugnay sa pamamaslang sa misis na si Gloria Cave ay isinasailalim sa extradition process upang ibalik sa Nevada para harapin ang nasabing kaso.

Ayon sa rekord ng NBI, naaresto si Cave sa bahay ng mga kaanak ng kaniyang misis sa Sabang Village, Morong Bataan nito lamang nakalipas na linggo.

Ang misis na napatay ay huli umanong nakitang buhay noong Nobyembre 2010 sa isang salu-salo ng Thanksgiving sa Las Vegas.

Pebrero lamang ng taong kasalukuyan ay nagtungo sa Pilipinas si Cave upang ipaalam sa mga kaanak ni Gloria na namatay ito sa car accident.

Dala pa umano ni Cave sa mga kaanak ni Gloria ang isang Urn na may laman umanong abo ni Gloria na diumao’y ipina-cremate na.

“Nasunog daw yung katawan nung biktima nung nasunog yung kotse pagkatapos nung aksidente kaya nagdecide ‘yung foreign national na i-cremate na lang yung remains ni Gloria,” ani Diaz.

“Paniwala ang pamilya ni Gloria sa sinapit niya..tinanggap nang maluwag sa pamilya si Hugh kesyo gusto na raw mag-retire sa Pilipinas,” dagdag pa ni Diaz.

Noong Abril 23, isang Fe Rawson-Oseo, ang nakadiskubre ng nakalibing na bangkay ni Gloria. Si Oseo ang nakabili ng bahay na ibinenta umano ni Cave bago ito magtungo sa Pilipinas.

Nang ireport ni Oseo sa Las Vegas Police ay agad naman itong inaksyunan. Nakakuha ng warrant of arrest laban kay Cave ang Las Vegas Police at nakipag-ugayan sa NBI at Philippine National Police at nakipagtulungan din ang Federal Bureau of Investigation sa pag-aresto kay Cave. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply