Kapalaran ni Diokno nakasalalay kay De Lima

NAKASALALAY sa kamay ni Justice Secretary Leila de Lima ang kapalaran ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ernesto Diokno sa imbestigasyon ng kaso ni dating Batangas Governor Antonio Leviste ukol sa walang pahintulot na paglabas nito sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hihintayin ng Palasyo ang isusumiteng rekomendasyon ng panel na binuo ni De Lima para sa isyung ito.

“Siguro hintayin natin ang findings ng DOJ dahil kahit si Secretary De Lima sinabing hindi pa tapos ang investigation at siguro it is better for us to wait for the result ng summary procedure,” pahayag ni Valte.

Sina bi rin ni Valte, base sa abiso ng Department of Justice (DOJ), kailangan na sumailalim sa ligal na proseso bago maglabas ng desisyon sa pananagutan ni Diokno sa nabanggit na isyu.

Ilang sektor na rin ang nananawagan kay Pangulong Benigno Aquino III upang sibakin o suspendihin ang hepe ng BuCor.

Idinagdag rin ni Valte, ibabase ni Pangulong Aquino ang kanyang magiging hakbangin matapos na pag-aralan ang resulta ng imbestigasyon na isusumite ng naturang panel.

Ani Valte, huwag munang husgahan si Diokno ngayon dahil aniya, ayon sa DOJ Chief, ito ay mayroong karapatan para sa due process.

Kaugnay nito, dinepensahan naman ng Palasyo ang pahayag ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo nagsabing ang nabistong iligal na paglabas-labas ni Leviste sa NBP ay patunay lamang na nananatili ang kuropsyon sa sistema ng hustisya sa bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ayon sa Obispo, kung ang isang preso ay mayroong impluwensya o pera ay kayang-kaya nitong suhulan ang kapulisan o awtoridad sa mga kulungan kapalit ng pagkakaloob ng VIP treatment.

“Siguro unfair na sabihin na ang VIP treatment for some inmates ay nangyayari under the current administration. Alam natin medyo matagal nang problema ito which is why the president ran for the presidency on an anti-corruption platform,” depensa ni Valte.

“Kailangan natin i-address head-on at this point. Kung nangyayari pa ito, then it has to stop now,” tapos pa nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply