Kapatid kapalit ni Rep.Singson sa Kamara

PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang bagong kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur si Vigan City Vice Mayor Ryan Luis Singson.

Ito ay makaraang magtala si Singson ng mahigit 68,000 votes laban sa kanyang katunggaling si Atty. Bertrand Baterina na may higit 30,000 boto lamang.

Ang special election ay isinagawa matapos sibakin ng House of Representatives si dating Rep. Ronald Singson na matatandaang nahatulan ng kasong may kaugnayan sa illegal drugs sa Hong Kong.

Si Ryan ay anak din ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply