Kapitan todas, 1 sugatan sa bakbakan

TODAS ang isang Philippine Army Captain habang isa pang opisyal ang malubhang nasutan ng salakayin ng mga tauhan ng Army Scout ranger ang isang kuta ng mga rebedleng Communist party of the Philippine-New Peoples Army kaninang umaga sa lalawigan ng Negros sa ulat ng militar.

Ayon kay Maj. John Andrada, spokesman ng  Army 3rd Infantry Division, naganap ang sagupaan nang banggain ng tropa ng militar ang isang ecampment ng mga NPA bandang alas 9:00 ng umaga sa Sitio Avocado, Brgy Talalak,Sta. Catalina, Negros Oriental.

Sa ulat ay kinilala ang nasawing opisyal na si Capt Wilson Montenegro habang isang PFC Javier ang sugatan.

Ayon kay Andrada, sadyang sinalakay ng tropa ng 79th Infantry Battalion pero ang operating troops na bumangga sa NPA Sentro de Grabidad Southeastern Front ng Kilusang Rehiyon ng Southern Negros ay ang mga elemento ng Army 2nd Scout Ranger Company ng  1st Scout Ranger Battalion

Nabatid na armado ng matas na kalibre ng baril at may  high-powered machinegun ang grupo ng SDG, sinasabing elite unit ng NPA  kaya napalaban ng husto ang mga sundalo at tumagal ng mahigit kalahating oras ang palitan ng putok.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation sa mga umatras na rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply