Karpintero dedo sa mag-aamang kapitbahay

PINAGTULUNGANG saksakin ng mag-aama ang kanilang kapitbahay matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang una at huli kahapon, Mayo 22, sa kahabaan ng Alley Northbay Boulevard North (NBBN), Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay si Edmundo Cordero y Naval, 44, may asawa, ng 16 Interior Ignacio St., Barangay NBBN ng nasabing lungsod.

Agad inatasan ni Sr. Supt. Florendo Quebuyin ang kanyang kapulisan na hanapin at arestuhin ang mag-aamang suspek na sina Mario Lopez, 48, at ang dalawang anak nitong si Marlon at Alvin, pawang mga binata at kapitbahay ng nasawi.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Joseph Provido, ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong 2:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Batay sa pinagsanib na salaysay ng saksing sina Evangeline Cordero, Raymundo Cordero at Merlie Cunanan, ng nasabing lugar, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng matandang Cordero hinggil sa hindi pagpayag ng una na padaanin ang kuryente na ikinabit ng mga Lopez sa isang kapitbahay na naka submeter hanggang sa humantong sa karahasan.

Ayon sa ulat, habang may hawak na patalim, galit na inakyat ni Lopez ang bahay ni Edmundo hangga’t magkagulo.

Tumalon sa bintana si Edmundo para tumakas ngunit nakita naman ng magkakapatid na Lopez at pinagtulungang saksakin ito sa iba’t ibang parte ng katawan na duguang ikinatumba ng una sa nasabing eskinta.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek at iniwan ang mga ginamit na patalim, habang ang biktima ay agad dinala sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng buhay.

Patuloy ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo, habang ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong murder sa piskalya ng nasabing lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply