Kaso ng Dengue lumolobo

UMAKYAT ang bilang ng kaso ng Dengue sa Central Luzon kung saan 17 na ang naitatalang nasawi sa loob lamang ng unang quarter ng 2011, ayon sa ulat ng health at disaster management officials.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit Region 3 ng 3,688 dengue cases simula noong Jan. 1 hanggang April 16.

“Provinces with the most number of dengue cases were Bulacan (1,253); Nueva Ecija (927); and Pampanga (701),” ayon sa kanilang website.

Nabatid na 17 na ang nasawi kung saan sa Bulacan ang naitalang maraming bilang.

Dagdag pa ng NDRRMC, karamihan sa mga pasyente ay lalaki (51.8 percent), sa edad na buwan pa lamang na sanggol hanggang 91 taong gulang habang ang 40 porsiyento sa kaso ng naturang sakit ay nasa edad 11 hanggang 20.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply