3 solon suportado ang Tesda na sampahan ng kaso si GMA

SINUPORTAHAN ng tatlong party-list solon ang plano ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) na kasuhan ang mga opisyal ng administrasyong Arroyo na sangkot diumano sa pamumudmod ng P1.3-bilyong halaga ng “unfunded” scholarships na siyang ikinalubog ng ahensya sa pagkakautang.

Tahasang sinabi nina Buhay Rep. Irwin Tieng, Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan na dapat makulong ang mga sangkot na opisyal dito dahil kulang na ang podo ngayon para sa mga iskolar.

“I support the move of the new head of Tesda,” ani Tieng. “Dapat naman talaga kung mayroong anomaly, dapat may makasuhan at may makulong.”

Ikinalungkot ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ulat ni Tesda Director General Joel Villanueva, dating CIBAC party-list congressman, na may pagkakautang ngayon ang Tesda ng P2 bilyon dahil sa pamamahagi ng nagdaang administrasyon ng vouchers na walang pondo na obligasyong bayaran ng kasalukuyang namumuno sa ahensya.

Si Iloilo Rep. Augusto Syjuco ang namuno sa Tesda sa ilalim ng administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiniyak ni De Jesus kay Villaueva na karamihan sa mga kongresistang nakasama nito sa nagdaang Kongreso ay susuporta sa paghahain ng kaso laban sa mga sangkot.

“I support the move of Tesda to push for the prosecution of those involved. Tesda should seriously work not only on exposing the anomaly but pursue the case until the prosecution of all involved,” sinabi pa ni De Jesus.

Ayon naman kay Ilagan, napapanahon ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na sangkot dito.

“That is timely, necessary and appropriate action. The evidence is overwhelming. The move is another nail driven into the cross that will crucify GMA and her cohorts.”

Ang kawalan ng pondo ng Tesda para sa scholars ay siyang nag-udyok kay Pangulong Aquino na atasan si Budget Secretary Butch Abad na humanap ng pondo para sa mga iskolar ng technical education. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply