Kaso ni ex-mayor Joey Marquez tinuldukan na

TULUYAN nang isinara ng Sandiganbayan ang kaso ni dating Parañaque Mayor Joey Marquez at ng anim na dating mga opisyal ng lungsod hinggil sa pagbili ng  P2.9-milyon halaga ng walis-tingting noong panahon ng kanyang panunungkulan.

Sa 27-pahinang desisyon ng Sandiganbayan second division, kinatigan ni Associate Justice Samuel Martinez ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kaso.

Magugunitang naibasura na ng Supreme Court (SC) ang kasong ito pero isinampa rin ito sa  Sandiganbayan dahilan para katigan na lamang ng Sandiganbayan ang desisyon ng SC.

Binigyang diin ni Martinez na hindi matituturing na disadvantage sa panig ng gobyerno ang transaksyon, kahit pa hindi dumaan sa public bidding ang pagbili nito ng walis-tingting.

Ang nasabing pagbili ng mga walis-tingting ay naganap sa pagitan ng Enero 1996 hanggang  September 1997  habang nanunungkulan pa si Marquez bilang alkalde ng Parañaque.

Dahil dito, ang anim na opisyal ng naturang bayan ay absuwelto na rin sa kasong paglabag sa Section 3 paragraph- ng Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Law.

Bunsod nito, pinatatanggal na ng Sandiganbayan sa Bureau of Immigration ang  hold departure order sa mga sangkot sa anomalyang ito kasama si Marquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply