Kaso vs 4 Marcos cronies iniutos ng SC

INIUTOS na ng Supreme Court (SC) sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal sa Sandiganbayan ang apat na Marcos cronies kaugnay sa isang utang.

Sa siyam na pahinang desisyon ni first division Associate Justice Jose Perez, pinagbigyan ng kataas-tasang hukuman ang petisyon ng Presidential Fact-Finding Committee na baligtarin ang desisyon ni dating Ombudsman Aniano Desierto na nagpawalang sala kina dating Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo, Amer Dianalan, Enrique Herboza at Ricardo Sunga.

Nakapaloob din sa desisyon na bagama’t sumasang-ayon ang SC sa posisyon ng tanggapan ng Ombudsman na 10 taon ang prescriptive period sa naturang kaso, nagsimula naman ito noong 1976 kung kailan nangyari ang pangungutang.

Sinabi pa ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman nang ibasura nito ang kaso sa kabila ng pagkakaroon ng probable cause.

Batay sa record, mga opisyal ng Mindanao Coconut Oil Mills (MINCOCO) ang apat na respondents na dalawang beses na nangutang ng kabuuang P70 million sa National Investment and Development Corporation.

Napag-alaman din na pinautang ang MINCOCO sa kabila ng pagkakaroon nito ng mababang kapital at collateral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply