Kaso vs Leviste, driver isinampa na sa MMTC

ISINAMPA na ng Department of Justice (DoJ) sa Makati Metropolitan Trial Court ang kasong evasion of service of sentence laban kay dating Batangas Governor Antonio Leviste na nabuking na labas pasok sa New Bilibid Prisions nang walang permiso.

Sa apat pahinang resolusyon, nakakita ng probable cause ang DOJ para isulong sa korte ang kasong paglabag sa Article 157 ng Revised Penal Code na nagpaparusa sa mga akusado na  lumalabag sa kanilang service of sentence.

Kinumpirma ni Deputy State prosecutor Richard Anthony fadullon na maging ang driver ni Leviste na si Nilo Solis ay kinasuhan din ng DOJ bilang kasabwat.

“It is respectfully recommended that the corresponding informations for violation of Article 157 of the RPC be filed against respondent Leviste, and against respondent Solis, as an accomplice to the offense committed by respondent Leviste,” nakasaad sa resolusyon.

Si Leviste ay una nang isinailalim sa inquest proceeding nitong Miyerkules bunsod ng isinampang reklamo ng  National Bureau of Investigation (NBI).

Ipinaliwanag ng DOJ na sakaling mapatunayang guilty si Leviste sa isinampang kaso ay madadagdagan ng anim na taon ang kanyang sentensya.

Magugunita na noong 2009 ay napatunayang guilty sa kasong homicide si Leviste at hinatulang makulong ng hanggang 12 taon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply