Kasuka ang wetpaks ng lead vocalist ng Kamikazee

DAHIL sa Remate, nakausap ko ang pinsan naming matagal nang umalis sa bayan namin (Tigaon, Camarines, Sur) dahil napangasawa niya ng taga-Tacloban at doon na nanirahan.

Nakabandera raw sa mga newstands ang diyaryo nating ito, at isa sa kinagigiliwan niyang basahin noon pa. Pero mas lalo siyang na-adik sa kababasa ng Remate nang ma-sight niya ang may-akda ng pitak na Papak! Hahaha!

Marami kaming napag-usapan. Tsismisan na katakot-takot talaga. Binalikan namin ang aming mga nakaraan. Ang aming kabataan.

Anyway, ang ending ng usapan ay napunta siyempre sa showbiz. Ayoko na sanang pag-usapan pa ang tungkol dito dahil nakakaumay na din ngunit talagang ito ang trabaho natin, kaya magtiis tayo. Hehehe!

Nagulat ako sa isang tinuran ng aking cousin. Lahatin ko na raw na papuntahin sa kanila ang mga banda sa buong Pilipinas ‘wag lang ang Kamikazee.
Bakit naman?

Okey nga ang grupong ito. All-out ang kanilang performance. Pag bumanat sila ng kanta animo’y naghuhurumentado na sa ibabaw ng entablado.

Iyon nga raw ang problema, sobrang ingay nila. Parang mga adiktus. Humihiga pa ang lead vocalist habang kumakanta at papasag-pasag ang dalawang paa na hitsurang kinukuryente.

Ang matindi pa raw at ang  ikinasuka nilang  lahat nang ibaba nito ang pantalon hanggang tuhod at tumalikod sa audience sabay tuwad at binaba ang brief. Gwarrkkk!  kasuka raw talaga. Mabuti na lang at hindi naebak ang loko. Giatay!

Dahil sa pagwawala (hindi na kanta, huh!) ng nasabing banda, dumampot ang isang grupo ng kabataan ng bato at ipinukol sa kumakanta. Hindi pa nagkasya ang mga ito at pati hawak nilang mineral water ay binalibag din nila sa umaatungal na singer. Hahahahaha!

Well, ‘yun ang kuwento. Ano naman kaya ang paliwanag ng Kamikazee tungkol dito?

Nga pala, dagdag-kuwento pa ng pinsan ko, mas gugustuhin pa raw niyang panoorin ang bandang Callalily, na kahit parang mga adik-adik din dahil malalim na ang gabi naka-shade pa raw ang mga loko, sa pangunguna ng bokalista nilang si Kean Cipriano ay oks lang. Kahit pa nga raw feeling super sikat ang mga ito (kung kumanta parang mga tuod na nakatayo lang), mapapatawad na n’ya. Huwag lang daw Kamikazee, utang na boot!

Feel din daw niya ang Bamboo lalo na ang vocalist nito na kahit bamboo-hin mo na ay kanta lang nang kanta, wala raw kapaguran. Ano s’ya nakatira ng katol? Hikhikhik!

Sabagay, ganun talaga ang mga banda, may attitude ang mga ‘yan dahil d’yan  sila maiiba.

Saan ba kayo nakakita ng banda na hitsurang mga bagong labas sa semenaryo, aber?

Kaya sa aking pinsan, ito lang ang masasabi ko: Cool ka lang cousin…sumakay kana lang. Tama…tama!

***

Mara Clara 2 linggo na lang…..yehey!

BAKIT kaya marami ang natuwa nang sabihing dalawang Linggo na lang ang Mara Clara at magwawakas na?

Sa totoo lang, bihira naming matutukan ang teleseryeng ito, pero kapag naman napanonood namin ay gandang-ganda kami.

Ang gagaling kasing umarte ng mga artista rito. Wala kang itutulak, puro kabig. Unlike sa kabila (GMA-7) nang manood kami ng palabas nila, naku, parang moro-moro lang. Walang kalatuy-latoy umarte ang mga bida.

Dapat siguro bago isabak sa teleserye ang mga baguhang artista ng Siyete, turuan munang mag-dialogue at umarte ang mga ‘yan. Ang babaduy n’yo, Ning!

Bueno, balikan natin ang Mara Clara, ayon sa mga reaksiyon na naririnig natin, over-acting na raw kasi ito, at halatang pilit nilang binibigyan ng emphasis ang character ni Jhong Hilario na sobrang nakaiirita na raw.

May isang pulis nga raw na puwedeng tumestigo laban kay Jhong, e, bigla naman daw itong naglaho. ‘Yun na raw sana ang magdidiin sa kontrabida.

Marami pang mga eksena na sa tingin ng televiewers ay pinaiikot-ikot na lang ang istorya kaya nakakaasar na raw.

Mabuti naman at nakinig daw ang ABS sa sentimyento ng mga nanonood kaya’t tatapusin na nila ang top-rating na teleseryeng ito.

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply