Katrina patitikman ang pinya kay Leandro Baldemor

MAY dalawang characters si Camille Prats sa soap na “Munting Heredera,” na kung saan siya sina  Sandra at Susan. Iibig siya kay Jacob na role ni Mark Anthony. Magkakaanak sila. Tapos, mawawalan siya ng memory. Magpapanggap siya bilang si Sarah.  Sa ngayon ay madali niyang ma-identify ang sarili niya  sa mother sa role niya dahil ang anak niyang si Nathan Linsangan ay tatlong taon na ngayon.

Nang ialok kay Gloria Romero ang role bilang Dona Anastacia para sa “Munting Heredera,” hindi na nagdalawang isip si Gloria na pumunta ng Kapuso. Aniya: “Freelancer naman ako. Puwede akong lumabas sa kahit anong channel o nertwork. Kung may trabaho ako sa ABS-CBN, with may oper arms, tatanggapin ko.”

Ngayong Mayo na ang airing ng bagong sitcom ng GMA 7. Pang-Sabadong show ito ng Kapuso network.

Masaya si Leandro Baldemor dahil nakabalik muli siya sa teleserye ng GMA 7. Kasi, siya ang magiging kapartner ni Katrina Halili sa soap. Magkakaanak silang dalawa na makikipag-agawan para sa tunay na heredera.

Sumikat siya noon bilang leading man ni Rosanna Roces sa Seiko film’s “Patikim ng Pinya.”  Makakatikim din kaya siya sa “pinya” ni Katrina hahaha! Noel Asinas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply