Kawani ng City Hall sinaksak ng kapitbahay

ISANG kawani ng city hall ay kritikal ngayon matapos itong saksakin ng anak ng nakaalitan ng una kagabi sa tapat ng kanilang bahay sa Libis St., Espina, Caloocan City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Caloocan City Medical Center, sanhi ng tinamo nitong malalim na saksak sa kaliawang bahagi ng dibdib ay nakilalang si Roberto Lonario, 22, binata, ng 211 Libis St., Barangay 18, ng nasabing lungsod, at nagtatrabaho sa Caloocan City City engineering department.

Ang suspek na mabilis na tumakas at pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ay nakilalang si Joselito Bautista, 23, may asawa, ng 211 Interior sa nasabing lugar, emplayado ng GSO Co.

Sa ulat ni Sr.Insp. Ronald Perilla, Substation 2 commander kay Sr.Supt. Jude Welson Santos, hepe ng Caloocan police, dakong alas-diyes kagabi nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng suspek.

Ayon sa ulat, lasing na naglalakad pauwi ng bahay ang biktima nang biruin ito ng ama ng suspek na Mang Edwardo Bautista.

Hindi nagustuhan ang ginawang pagbiro ng matanda kaya’t sinuntok ito ni Lonario sa mukha.

Nang makita ng suspek ang nagyari sa kanyang tatay, hindi nagdalawang isip agad kumuha ng patilim at agad tinarakan ng saksak ang biktima sa kaliwang dibdib na nagresulta sa pagbagsak nito sa semento.

Mabilis na dinala ang duguang biktima sa nasabing pagamutan, habang si Joselito ay mabilis na tumakas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at isang manhunt operation naman ang inalatag para sa agarang ikadarakip sa suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply