KC, Piolo ‘di tinitigilan ng intriga

SA KABILA ng pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion ay hindi pa rin sila tinitigilan  ng intriga. May mga hindi naniniwala at nagsasabing pang-showbiz lang. May mga alingasngas din na hiwalay na sila pero sinasabi ni Papa P na pumasok siya sa relasyon na pangmatagalan. Hindi pa naman daw.

Of course, lagi ring itinatanong ngayon kung kailan sila magpapakasal.

‘Yun na!

***

Young actress ginarahe ng DOM?

NASAAN ang isang young actress na maraming shows sa isang network?

Bakit biglang nag-abroad ang young actress samantalang ang dami niyang shows? Ganon-ganon na lang ba ‘yun samantalang ang dami-daming  naghahanap ng projects pero nagawa niyang iwanan?

Iginarahe na kaya siya ng isang mayamang lalaki at namumuhay prinsesa siya ngayon?

Ang sabi, inaayos daw ang citizenship niya sa abroad.

K! Fine!

***

Inayawan dahil Boobita Bumblebee?

SA MARAMING interview, laging sinasabi ni Rufa Mae  Quinto na nahihirapan siyang humanap ng lalaking totohanin at magpapakasal sa kanya.

Naudlot nga kasi yung sinasabi niyang kasal nila ng kanyang BF pero aniya, magkaibigan pa rin ang turingan nila sa ngayon.

“Una sa lahat, yung hindi natuloy, siguro may mga bagay na hindi para sa… kung ano yung nagaganap sa iba, hindi para sayo. So I think hindi pa para sa akin ang kasal, di ba? So ayoko namang ipilit kasi ang dami namang pwedeng gawin,” deklara ng aktres.

Masaya naman daw siya kahit single pa siya sa ngayon.  She is being linked to Fabio Ide, pero giit ni Rufa Mae, friends lang daw sila ng Brazilian actor.

Hindi ba siya naiinggit sa mga kasamahan at kaedad niyang ikinasal na?

“Hindi ako naiinggit. Kanya-kanya tayo ng pupuntahan, di ba? Andudun lang ako sa level na bahala na ang Diyos kung ano plano Niya for me, di ba? Kumbaga, ayoko na pilitin ang mga bagay-bagay. Kung hindi uukol, hindi bubukol,”  sambit pa niya.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply