Kelot dinos-por-dos sa ulo, utas

TODAS ang isang 49-anyos na lalaki matapos na pagpapaluin ito ng dos-por-dos sa ulo ng isang hindi nakikilalang salarin sa Sta. Mesa, Maynila, Martes ng gabi, Mayo 3.

Kinilala ni P/ Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Bibot de la Cruz, manlilimos, tubong Davao City at walang permanenteng tirahan sa Maynila.

Base sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng MPD-HS, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 5:45 ng hapon sa ibabaw ng center island sa may Altura Bridge (pa-east bound ng Sta.Mesa).

Nakita naman sa pagsusuri sa bangkay ng biktima na nagtamo ito ng sugat sa kanang kilay na may habang 3 pulgada.

Ayon sa pulisya, suot pa ng biktima ang isang bullcap at nakaunan naman sa kanyang ulo ang kanyang bag pack nang matagpuan siya ng ilang concerned citizen sa lugar.

Nakita rin sa tabi ng biktima ang isang pirasong kahoy na may bahid ng dugo na hinihinalang ginamit na panghataw sa ulo ng biktima.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply