Kelot ginilitan sa Kyusi

ISANG 43-anyos na lalaki ang sinaksak sa kanyang leeg at pinukpok pa ng bato sa ulo sa Barangay Silangan, lungsod Quezon,3:00 ng madaling araw, Mayo 22.

Nakilala ang biktima na si Arnel Sanillo, residente ng Road 5, Area C ng Barangay Silangan samantalang ang suspek na hindi pa nakikilala ay tumakas kaagad pagkatapos ng krimen.

Batay sa salaysay ng kinakasama ng biktima na si Susan Dulay, bandang 3:00 ng madaling araw nang may kumatok sa kanilang bahay. Binuksan ni Sanillo ang kanilang pinto subalit pagkabukas nito ay nakita niyang sinasaksak na sa leeg ang biktima at hinampas pa ito ng bato sa ulo.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay. Ipinagtataka pa ng kapulisan kung bakit hubo’t hubad ang biktima nang abutan nila ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply