Contractor sinaksak sa leeg

HUBO’T HUBAD na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang isang contractor na lalaki makaraan na saksakin ito ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang garahe sa Quezon City Linggo ng medaling araw, Mayo 22.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Arnel Llanillo ,42, ng Road 5 Area -C Barangay Bagong Silangan ng nasabing lungsod.

Inilarawan naman ni PO2 Benjie Butac may hawak ng kaso sa Batasan Quezon City Police Station 6 ang tumakas na suspek na may taas na 5’7, nasa edad na 32 hanggang 35, naka suot ng maong pants ,black jacket at bonnet na itim.

Sa ulat ni PO1 Salde Notarte ng nasabing himpilan, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nauna rito’y isang tawag sa telepono ang natanggap mula sa kapatid na lalaki ng biktima pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Batasan Police Station 6 hinggil sa kasong stabbing kaya agad na rumesponde ang mga tropa ng pulis sa lugar.

Sa lugar ay tumambad sa mga awtoridad ang hubo’t hubad na bangkay ng isang lalaki na nakatihaya sa loob ng garahe na may tama ng isang saksak sa leeg.

Ayon kay PO2 Butac ng humarap sa kanila ang saksi na live-in partner ng biktima ay halos naka tapis lamang si Susan Dulay, 32, tubong Pangasinan, maluha-luha pa nitong sinagot na kitang-kita niya habang sinasaksak si Llanillo ng salarin subalit wala siyang magawa.

Nauna ritoy, tumayo mula sa pagkakahiga ang biktima at binuksan ang kanilang pintuan upang alamin kung sino ang lumilikha ng ingay sa harapan ng kanilang bahay.

Sa salaysay ng saksi, nasa loob siya ng comfort room ng makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa garahe at ng kanyang silipin dito niya nakitang tinamaan ng patalim sa leeg ang biktima matapos ay mabilis na tumakas palayo ang salarin.

Nagtamo ng sugat sa bahagi ng ulo ang biktima at tama ng saksak ng hindi pa mabatid na patalim sa leeg na sanhi ng agad niyang pagkamatay.

Malakas ang hinala ng mga awtoridad na love triangle ang pinagmulan ng krimen at hindi robbery ang naganap dahil sa wala naman nawalang mahalagang bagay sa loob ng tahanan ng biktima at walang lalaki na maglalakas ng loob na buksan ang kanyang pintuan na walang anumang saplot sa katawan .

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa naturang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salararin. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply