Kelot huli sa panghihipo ng puwet ng 15-anyos

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos nitong hipuan sa puwet ang dalagitang kapitbahay sa Navotas, Lunes ng hapon, Mayo 16.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse ang suspek na si Filbert Carosca, 18 ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, ika-8 ng gabi kahapon naglalakad ang biktimang hindi na pinangalaan, 15-anyos, residente ng Phase 1-B, NBBS nang lapitan at hipuan sa puwet ni Carosca.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang biktima na naging dahilan upang habulin at madakip si Carosca.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply