Kelot inutas sa loob ng bahay

BUTAS ang bungo ng isang 24-anyos na lalaki makaraan na pasukin ang bahay nito sa Quezon Cty at barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan habang natutulog sa Sabado ng madaling araw, Mayo 28.

Dead on the spot ang biktimang si Roberto Villanueva ng 006 Bulacan st., Barangay Payatas ng nasabing lungsod.

Inilarawan ni PO3 Rolando Lopez ang mga tumakas suspek matapos ang pamamaril na nasa pagitan ng 25 hanggang 30 ang edad, kapwa may taas na 5’5 hanggang 5’6.

Sa ulat ni PO3 Alden Lasam ng Batasan Police Station 6, naganap ang insidente ganap na alas-4:00 ng madaling araw.

Nabatid na marahan na nakapasok ang mga salarin sa loob ng silid at habang natutulog ang biktima ay dito na itinutok ang baril sabay ipinutok ng isa sa mga suspek sa ulo.

Ayon sa nanay ng biktima na si Rosita Villanueva, isang malakas na putok ng baril ang kanilang narinig sa loob ng kanilang bahay kaya agad niyang tinungo ang pinanggalingan ng putok.

Sa loob ng silid ay tumambad sa harapan niya ang duguang katawan ng biktima na may tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Patuloy ang pagsisiyasta ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply