Kelot kinatay ng 2 holdaper sa Quezon City

BUMULAGTA sa kalsada ang isang lalaking may gumamelang tattoo sa katawan nang saksakin ng dalawang holdaper sa GMA-Kamuning MRT station sa Quezon City, Lunes ng madaling-araw.

Nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib ang hindi pa nakikilalang biktima na inilarawang nasa 35-38, nakasuot ng maong pants at t-shirt at naka-tsinelas lamang.

Sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong 1 ng madaling-araw sa ilalim ng GMA-Kamuning station ng Metro Rail Transit sa northbound ng Efipanio delos Santos Avenue.

Bago ito, nabatid na naghihintay ng pampasaherong bus ang biktima nang holdapin ng mga suspek sa lugar pero dahil nanlaban ay pinagtulungang saksakin ito at saka inabandona nang makuha na ang   hawak na plastic bag.

Ayon sa testigong si Rocky Matildo, tinangka pang habulin ng biktima ang mga kawatan pero bigla rin itong tumimbuwang sa kalsada matapos ang ilang metrong pagtakbo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply