Kelot na hinahanting ng parak, patay

PATAY ang isang 35 anyos na lalaki, habang sugatan naman ang isang babae, matapos na tamaan ng ligaw na bala nang magpaputok ang umano’y isang pulis, hapon ng Huwebes, Mayo 26 sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Roland Bautista, may-asawa, walang tgrabaho, ng 32 M.F. Rey Ugbo St., Tondo.

Inoobserbahan naman sa Mary Johnston Hospital ang sugatang si Amalia Lacquiores, ng 308 Lallana St., Tondo matapos na tamaan ng ligaw na bala.

Sa report ni PO3 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-kuwatro ng hapon nang maganap ang insidente sa Lallana at Lacson Sts. sa Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon, matagal na umanong hinahunting ng umano’y isang ‘di nakilalang pulis ang biktima kaya’t nang ma-corner ang huli sa nasabing lugar ay bigla itong naglabas na matalas at inundayan ang umano’y suspek na pulis.

Mabilis namang nakabunot ng baril ang suspek at agad na pinaputukan ang biktima ng ilang beses sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng agarang pagkamatay nito.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na pinaniniwalaang nakatira lamang malapit sa pinangyarihan ng insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply