Kelot na tadtad ng tattoo pinatay sa sakal

HINIHINALANG pinatay sa sakal ang isang 23 anyos na lalaki na tadtad ng tattoo sa katawan nang matagpuan ito sa Road 10 sa Tondo, Maynila, Martes ng madaling araw Mayo 31.

Kinilala ni P/Insp.Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Antonio Andales, ng 200 Area F., Parola Compound, Port Area, Maynila.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Edgardo Ko, ng MPD-Homicide Section, natagpuang nakahandusay ang biktima sa lugar dakong alas-tres ng madaling araw.

Naglalakad umano si Claire Mendoza nang makitang nakahandusay ang biktima malapit sa pintuan ng kanyang bahay kaya kaagad niya itong pinagbigay-alam sa kanilang barangay chairman na si Mario Pallraca.

Nakita naman sa pagsusuri sa bangkay ng biktima na may marka ito sa leeg na indikasyon na sinakal ito.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Arlyn Andales, huli niyang nakita si Antonio kahapon sa kanilang lugar.

Hinala ng pulisya na pinatay sa ibang lugar at itinapon sa nabanggit na kalsada ang biktima ng hindi nakikilalang suspek dahil walang makapag-bigay detalye sa imbestigador kaugnay sa insidente.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Ivan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply