Kelot nagbigti sa puno ng mangga

ISANG bangkay ng lalaki ang nakitang nakabigti sa puno ng mangga sa isang subdivision sa lungsod ng Quezon.

Inilarawan lamang ng pulisya ang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at dark blue na maong pants. Natagpuan ang bangkay na nakabigti pa sa puno sa loob ng Don Carmen subdivision sa Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, isinantabi na nila ang foul play sa insidente. Nananawagan naman ang pulisya sa maaaring mga kaanak ng biktima na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply