Kelot nagpakulong para makatakas sa ‘gayuma’

UPANG matakasan ang epekto ng gayuma na ginamit sa kanya ng babae ay pinili ng isang lalaki na magpakulong na lang.

Ayon sa General Santos PNP, isang Alex Suriaga, 43, ang personal na dumulog sa kanilang presinto upang ipakulong ang kanilang sarili matapos umanong magayuma ito ng nakilalang babae sa lungsod ng Davao kamakailan lamang.

Si Suriaga na  residente ng Doña Soledad, General Santos City, ay dumulog sa punong himpilan ng kapulisan sa nasabing siyudad kasama ang ama na si Rodolfo Suriaga upang hilingin na makulong ito.

Naniniwala ang ama na ginayuma ang kanyang anak ng nakilala nitong babae na nagngangalang Amor na residente ng Barangay Apopong.

Ayaon sa ama ng lalaki, mistulang tuliro at madalas na nawawala  sa tamang pag-iisip ang anak mula ng umuwi galing sa Davao City tatlong buwan na ang nakalilipas.

Nasa abroad ang asawa ng batang Suriaga habang ang babae na umano’y nanggayuma sa kanya ay mayroon ding asawa ngunit hiwalay na. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply