Kelot nakuryente sa electric wire, patay

PATAY ang isang laborer makaraang makuryente sa high tension wire sa Quezon City ngayon, Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Robles, 34, ng 12th Avenue, Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.

Si Robles ay idineklarang dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) dahil sa tinamong 3rd degree burns ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-diyes ng umaga nang makuryente ang biktima sa tapat ng kanyang bahay sa 12th Avenue.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinusungkit umano ni Robles ng mahabang tubo ang dahon ng puno ng malunggay nang sumabit ito sa electric wire na mataas ang boltahe.

Dahil dito, dumikit ang tubo sa naturang tension wire at hindi nabitiwan ito ng biktima, kung saan umusok ang katawan niya bago nangisay.

Agad namang isinugod ang biktima ng mga kaanak nito sa naturang pagamutan, subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply