Kelot natagpuang patay, sakay pa ng wheelchair

NATAGPUANG patay ang isang lalakeng sakay ng wheelchair sa isang bakanteng lote kahapon sa Barangay Potrero, Malabon City.

Ayon kay Sr.Supt. Cornelio Barrios, hepe ng Malabon police, na ang nasabing biktima na mapagkakakilanlan lamang sa kanyang taas na 5’4″, medium build, maiksing buhok, nakasuot ng bracelet na may tatak na “Joy Love Jack” at naka-suot ng baseball cap na may tatak na Abercombie.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Robert Miclat, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong ala-una ng hapon nang matagpuan ang biktima na nakaupo sa wheelchair sa pagitan ng 967 Dico Pub at ng Outlast battery shop sa kahabaan ng MacArthur Highway, Baranagay Potrero.

Nabatid kay Rodirick Patawi, trabahador ng naturang battery shop, nagulat na lamang ito sa isang iglap na mayroong isang wheelchair sa katabi nilang bakanteng lote.

Nang kanyang lapitan ay isang bangkay ang nakasakay kung kaya’t agad siyang nag-report sa pulisya.

Patuloy na nagiimbetiga ang mga awtoridad at inaalam kung bakit may natuyong bahid ng dugo sa dibdib ng biktima.

Nabatid na maaring pinatay sa ibang lugar at saka palihim na iniwan para iligaw ang nasabing imbestigasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply