Kelot pinatay sa sakal

HINIHINALANG pinatay sa sakal ang isang di-nakilalang lalaki na natagpuang nakahandusay sa sidewalk ng Road 10, Moriones, Tondo, Maynila Sabado ng madaling araw.

Inilarawan lamamng ang biktima na nasa edad na 30-35, 5’3 ang taas, kayumanggi, nakasuot ng orange t-shirt at maong pants, may mga tattoo sa ibang parte ng katawan.

Sa ulat ng MPD-Homicide SEction,dakong 12:05 ng madaling araw nang matagpaun ang bangkay ng biktima sa isang sidewalk.

Ayon sa pulisya, may marka ng pagkasakal ang biktima sa kanyang leeg at nagtamo rin ng sugat sa kanyang ulo.

Isang di-nakilalang teenager umano ang nakakita sa biktima na nakahandusay sa lugar kaya agad itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Inaalam naman ng awtoridad kung sino ang responsable sa pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply