Kelot pisak nang magulungan ng trailer truck

PISAK ang ulo at nagkalasog-lasog ang katawan ng 46-anyos na lalaki makaraang magulungan ng trailer truck sa Sarmiento St., Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Cerilo Batoto, 46, ng Phase 4, Package St., Blk 9, Lot 14, Bagong Silang, Caloocan City.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang sumukong akusado sa Novaliches traffic sector 2 na si Romedio Correa, 53, ng 4185 Doña Ana Caloocan City.

Sa ulat ni Traffic Sector 2 PO3 Ferdinand Paglinawan, naganap ang insidente sa kanto ng Sarmiento St., Quirino Highway dakong 11 ng umaga kanina, Mayo 21.

Sakay ng kanyang bisikleta ang biktima mula sa Sarmiento St., nang pagsapit sa kanto ng Quirino Highway ay bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela at ma-out of balance kaya tumilampon at bumagsak sa kalye na nagulungan naman ng paparating na trailer truck na minamaneho ng suspek.

Ayon kay Correa, hindi niya napansin na may nakahiga sa kalye kaya hindi na nito nagawang umiwas pa at nagulungan ang ulo ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply