Kelot tigok dahil sa away-trapiko

PATAY ang 32-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang kaangkas sa motorsiklo nang pagtulungang pagsasaksakin ng mag-amang nakaalitan dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan sa trapiko noong Linggo ng gabi sa Paranaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa Paranaque Community Hospital si Lorie Jun Carreon, residente ng 178 Saint Paul St. San Agustin Village, Barangay Moonwalk ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kapitbahay nitong si Melchor Olivas, 29, na may saksak sa katawan at kanang kamay.

Nadakip sa follow-up operation ng pulisya at mga opisyal ng barangay ang suspek na si Joseph Encinas, 23, ng Venus Compound, Sitio Libjo, Barangay San Antonio, habang hinahanap pa ang ama nitong si Cesar Encinas, na katulong umano sa pananaksak sa mga biktima.

Ayon kay PO1 Johnny Margate ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Paranaque police, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima at pauwi na dakong alas-onse ng gabi nang muntik na nilang mabangga ang motorsiklong sinasakyan ng mas batang Encinas sa Kaingin Road sa harap ng Airlift Cargo sa Barangay Sto. Nino.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng batang Encinas at ng mga biktima. Inabutan ng ama ng suspek ang ganitong eksena at pinagtulungan nilang pagsasaksakin ang dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply