Kelot todas sa gang members

PATAY ang isang 16-anyos na lalaki matapos saksakin ng ice pick sa bandang ibaba ng kaliwang kili-kili Sabado ng madaling araw, Mayo 21, sa Sta. Ana, Manila

Kinilala ang biktimang si Wendell Sison habang patuloy na tinutugis ang mga salarin kabilang na ang isang 15-anyos na lalaki na mga miyembro umano ng Sigue Sigue Sputnik at kaanib ng Teardrops Gang sa Makati City.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Efren Flores, may hawak ng kaso, dakong 3:50 ng madaling araw nang maganap ang nasabing pananaksak sa panulukan ng Mabuhay at Garriedo sa Sta. Ana, Manila.

Nabatid sa report, nakatambay umano ang biktima, kasama sina Marvin Luteria at Melvin Rodriguez nang dumating ang tatlong suspek.

Sinasabing ang biktima lamang ang pakay ng mga suspek, nang bigla na lamang itong paggugulpihin at saka kumuha ng patalim sa baywang ang isa at sinakyod sa kaliwang ibabang bahagi ng kilikili ang biktima kasabay nang mabilis na pagtakas ng mga ito.

Naiwang nakandusay sa kalye si Sison na agad isinugod sa Sta. Ana Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply