Kiko bilang Ombudsman inirekomenda ni Jinggoy

TILA nakaisip ng paraan ang isang senador na may ambisyon na tumakbo sa 2016 presidential election na madiskaril ang posibleng kandidatura ng makakatunggali nang iendorso ito bilang kapalit ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Nitong Lunes sa pagbubukas ng sesyon ng Senado, mahigpit na inirekomenda ni Senate President Jinggoy Estrada na italaga si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang kapalit ni Gutierrez sa katuwiran na “matagal na itong kumakalaban sa korapsiyon.”

Ayon kay Estrada, dapat pumili si Pangulong Benigno Aquino III ng isang indibiduwal na walang bahid ang serbisyo publiko at may kakayahan sa batas.

“But above all, he or she must be one with the administration’s relentless crusade of running after and punishing the corrupt,”  giit ni Estrada.

Sa ganitong punto, kaagad ipinalutang ni Estrada ang pangalan ni Pangilinan bilang kapalit ni Gutierrez dahil kilala ang senador sa kampanya laban sa katiwalian na puwedeng pagkatiwalaan ng administrasyon sa naturang posisyon.

“Why not Sen. Kiko Pangilinan? He has been active in instituting reforms within the judiciary and an advocate of good governance,” ayon kay Estrada.

Matatandaan na kapwa may ambisyon sina Estrada at Pangilinan sa presidential election sa 2016 na lamang tumakbo ang anak ng dating presidente bilang bise presidente na sinusungkit din ng kabiyak ni Sharon Cuneta.

Ayon pa kay Estrada, dapat tuparin ng administrasyon ni Pangulong Aquino ang pangako nito noong kampanya hinggil sa krusadang “kung walang korap, walang mahirap” na inaasahang mangyari ng 15 milyong bomoto sa kasalukuyang chief executive.

Tumakbo rin sa pagka-pangulo ang ama ng senador, si dating Pangulong Joseph Estrada, ngunit natalo.

“President Noynoy ran under an anti-corruption platform during the campaign for the presidency, and the fifteen million people who voted for him expect nothing less than eradication of corruption under his watch,” giit ni Estrada.

Naniniwala si Estrada na magagampanan ni Pangilinan ang tungkulin laban sa korapsiyon dahil walang ibang sandata ang administrasyon laban sa tiwaling opisyal at tauhan ng gobyerno kundi ang Office of the Ombudsman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply