Killer bus driver nag-seminar sa TESDA

MAKARAANG masangkot sa malagim na aksidente na ikinamatay ng beteranang journalist na si Chit Estella Simbulan ay  sumailalim ang bus killer driver sa mahigit 50 drivers pa ng Universal Guiding Bus Lines sa seminar ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Taguig City.

Nabatid na sumalang sa training si Daniel Espinosa kasama ang iba pang driver na isinagawa sa TESDA office kanina.

Ang seminar ay naglalayong magbigay pa ng kaukulang kaalaman sa mga driver para sa maiingat na pagmamaneho habang tinatahak ang lansangan.

Ayon sa suspek na si Espinosa, handa siyang humarap sa kaso ngayong nasa kamay na siya ng awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply