‘Killer’ bus driver sumuko na

MATAPOS ang isang linggong pagtataggo ay sumuko na ang tinaguriang “killer” bus driver na aksidenteng nakapaty sa journalist-professor na si Chit Estella-Simbulan noong Mayo 13 sa Commenwealth Avenue..

Kasama ang kanyang mga kamag-anak, isinuko ng suspect na si Daniel Espinosa, 34-anyos, drayber ng Universal Guiding Star ang sarili kay Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte pasado alas-onse kamakalawa (Miyerkules).

Kaagad naman itong humingi ng kapatawaran sa mga naiwan ni Simbulan at iginiit na ang pangyayari ay isang aksidente at hindi sinasadya.

Ginawa ni Espinosa ang apela ilang minuto matapos itong sumuko kay Duterte sa Davao City Hall bago nagtungo sa Maynila para harapin ang kaso.

“Unang una, sa pamilya, lalo sa kapatid at asawa, ako ay humihingi ng lubos na patawad. Hindi ko sinasadya ang pangyayari, aksidente ang pangyayari,” pahayag ni Espinosa sa isang kapanayam sa DZBB radio.

“Mga 11 ng gabi, doon sa opisina ni Vice Mayor itong si Daniel Espinosa, ang nakabundol sa sasakyan ni (Professor) Estella-Simbulan, sumuko siya,” pahayag ni Davao City police chief Senior Superintendent Rene Aspera.

Kasama aniya ni Espinosa ang ilan niyang kamag-anak na residente ng Toril district, Davao City.

Sa panayam kay Espinosa, sinabi nitong matapos ang malagim  na aksidente ay nagtago siya sa kanyang mga kamag-anak sa Davao City at nagawa umano niya ito, dahil natakot siya para sa kanyang buhay.

Kaugnay nito, dakong 2:30 kahapon, dumating si Espinosa sa Camp Karingal mula sa Davao City at iniharap ito sa mga mamamahayag at pagkatapos ay isinailalim ito sa isang medical examination.

Pagkatapos nito, dinala rin si Espinosa sa Quezon City Prosecutor’s Office para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to  homicide at damage to property.

Matatandaang nagtago si Espinosa matapos ang aksidente.

Dahil sa pangyayari, nagdagdag ng mga tauhan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para ipatupad ang mas mahigpit na batas-trapiko at sinuspinde na rin nito ang bus firm na kumuhang drayber kay Espinosa.

Ayon naman sa asawa ni Espinosa, ito ang uannag pagkakataon na ansangkot ang asawa sa aksidente ngunit lumalabas sa rekord ng MMDA na nasangkot na si Espinosa sa apat na aksidente sa loob ng dalawang buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply