Killer ni Professor Chit hinahanting sa Rizal

SINUSUYOD ngayon ng mga awtoridad ang bayan ng Taytay sa Rizal makaraang mapag-alamang nagtatago roon ang umano’y bus driver na kumitil sa buhay ng journalist-professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong on Biyernes.

Kaugnay nito, umapela si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga kaibigan ng bus driver na si Daniel Espinosa na magbigay ng impormasyon kung saan ito matutunton.

“Kailangan makuha natin si Ginoong Daniel Espinosa na alam kong maraming kaibigan nakikinig din ngayong oras na nagtatago yata sa Taytay, Rizal. Sana ay matapos ito within the day or in the next few days ng Quezon City police,” ayon kay Espinosa sa isang panayam sa dzXL.

Si Espinosa na tumakas matapos ang pagbangga at pagkakapatay kay Chit ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply