Kim Chiu nilaglag si Erich

AYON sa tsikahan tuwing 11 a.m. sa  ‘Wow, Ang showbiz’ sa DWIZ nina Ms. F,  Mimi at Ms. FS ay inilaglag diumano ni Kim Chiu si Erich Gonzales. Siya ang nagsumbong kay Angel na nag-date daw sina Derek Ramsay at Erich nu’ng ‘Magkaribal’ days. Ipinakilala ni Derek si Erich sa mother niya at ganoon din si Derek sa mga friends ni Erich.

Pero baka naman friendly date lang daw ‘yun at dahil gusto yatang makilala ng mother ni Derek si Erich.

Pero how true na hindi raw ito alam ni Angelica? Madalaw nga si Angelica sa taping ng ‘Banana Split’ na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN 2 at sa ‘Banana Split Daily Servings’ tuwing umaga Lunes hanggang Biyernes.

Dapat siguro ay magkaliwanagan lang sila o mag-usap kesa mauwi ito sa awayan. Di ba?

***

MULING pinatunayan ni Sen. Manny Villar na isa siyang tunay na kaibigan ni Willie Revillame sa hirap man o ginhawa nang dumating siya sa launching last Saturday ng programang kapalit ng Willing Willie na may titulong Wil Time Bigtime sa TV5.

Kahit may ibang tila iniwan si Willie sa gitna ng krisis, sinabi ni Villar na hindi nawawala ang suporta at pagkakaibigan nila ng kontrobersiyal na TV host.

“Kasi ang kaibigan ay kaibigan eh, sa akin naman, iyong mga tumulong sa akin noong kampanya ay kaibigan ko pa rin lahat. Walang nagbago, lalo na si Willie dahil bilib ako riyan, kaya walang nagbago sa samahan namin. Kaya ako’y narito upang magpakita ng suporta.

“Kahit hindi ako nanalo, hindi rin nagbago iyong pagtingin niya sa akin. Kaya napakagaling na kaibigan talaga ni Willie,” esplika ni Senador Villar.

Ano’ng masasabi niya sa kontrobersiyang nasuungan ni Willie lately?

“Alam mo, talagang si Willie is somebody na you’ll either hate or love. I guess, kaya siya sikat dahil ‘yung kanyang personality na ganyan eh. Pero it’s normal sa isang kagaya ni Willie na kaiinggitan, normal ‘yun, ang pagiging kontrobersiyal.”

Hindi ba siya nag-aalala na madamay sa mga tumutuligsa kay Willie?

“Ay ako sanay na riyan, sanay na ako riyan. Wala akong kaproble-problema riyan dahil unang-una, ang mga tumutuligsang iyan kay Willie, karamihan diyan ay hindi naman bumoto sa akin eh. So, wala akong problema riyan,” natatawang saad pa ng mambabatas.

Sa panig naman ni Willie, simple lang ang naging pahayag niya sa pagsisimula ng kanyang show, tapos ay nagpasalamat na siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Lahat ng Filipino ay itatratong big time. Lahat ng pumapasok sa studio ay big time lahat. Special thanks din kay Sen. Manny Villar na laging nariyan at hindi tayo iniiwanan,” aniya.

“Si Sen. Villar na dinalaw pa ako sa bundok, na pinuntahan talaga ako,” dagdag pa ni Willie.

***

Kahit hindi naging Pangulo si Sen. Villar ay taos pa rin ang pagtulong niya sa mga kababayan natin kasama si Gng. Cynthia Villar. Nagtayo ang kanyang pamilya ng Villar Foundation na tutulong sa mga Filipino kontra-kahirapan at linisin ang ilog ng Las Piñas.

Aarangkada ang kampanya na labanan ang kahirapan sa bansa sa pagtatatag ng Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG Center ng Villar Foundation.

Noong Sabado, pinangunahan ng mag-asawa ang groundbreaking ceremony na siyang hudyat sa pagtatayo ng SIPAG Center at Santuario de San Ezekiel Moreno. Inilunsad din ang librong Saving A River, Securing Livelihoods ni Joyce M. Crisanto na pinamunuan din ni dating Representative Villar.

Kumanta si Richard Poon sa naturang event.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Gng. Cynthia, managing director ng Villar Foundation, hindi lamang magiging showcase center ng mga programa at proyekto ng Villar Foundation ang Villar SIPAG Center kundi direkta itong tutulong sa mga mahihirap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply