Kim Chiu tulak-kabigin ni Gerald Anderson

DININAY sa amin ni Gerald Anderson ang balitang nagkabalikan na sila ni Kim Chiu. May lumabas kasing balita na nung magkasama ang dalawa sa Amerika noong Holy Week para sa series of shows doon ng ilang talents ng ABS-CBN Star Magic ay nagkabalikan ang dalawa.

“Sa ngayon friends lang talaga kami. Masaya kami na ganoon lang. Pareho kaming single. Ini-enjoy lang namin yung freedom, yung quietness.”sabi ni Gerald

Kung sinabi ni Gerald na masaya sila ni Kim na magkaibigan na lang, ibig ba nitong sabihin na wala na talaga silang pagmamahal sa isa’t isa? Sabagay mukhang si Gerald ay wala na talaga, dahil kung may feelings pa siya kay Kim hindi naman siguro siya makikipagrelasyon sa ibang babae, kay Bea Alonzo, di ba?

Siguro ang pagmamahal ni Gerald kay Kim  ay sa ibang level na, pagmamahal kaibigan na lang.

Pero hindi natin masasabi ang takbo ng panahon. Baka one of these days ay ma-realize nina Gerald at Kim na mahal pa rin pala nila ang isa’t isa at maging dahilan yun para magkabalikan sila, di ba?

oOo

Maja Salvador na-virgin na si Mateo ‘silly’ something!

TOTOO kaya itong naririnig namin na girlfriend na raw ni Matteo Guidicelli si Maja Salvador? Nagsimula raw ang kanilang relasyon nang magkasama sila sa isang pelikulang natapos na nilang gawin.

Kung totoong may relasyon na nga ang dalawa, napakasuwerte naman ni Maja. Marami kasi ang nangangarap na maging boyfriend si Matteo dahil talaga namang gwapo at flawless pa ito. Sigurong kaiinggitan ng mga babae at pati ng mga bading si Maja.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply