Konsiyensa na lang ang magpapasuko kay Espinosa

HINDI pa rin nahuhulli ang drayber ng bus na pumatay sa beteranang mamamahayag at UP professor na si Chit Estella Simbulan pero susuko rin ito sa awtoridad anomang oras kapag nabagabag ng sariling konsiyensa.

Ayon sa opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na ayaw magpakilala, nangambang maigi ang suspek na si Daniel Espinosa, driver ng Guiding Star Bus Line sa kanyang buhay dahil bukod sa una pa lamang itong nakaaksidente ay normal sa tao ang takot na makulong pero kapag inusig ng konsiyensya ay kusang susuko.

Wala lang aniyang masandalan ang suspek dahil maaaring ang mga taong nasa kanyang paligid sa kasalukuyan ay hindi maganda ang ipinapayo sa kanya.

Kaugnay nito, iginiit ng misis ni Espinosa na si Virginia na pag-ukulan din ng pansin ng awtoridad ang Nova bus line na sinasabing naunang nakabangga sa taksing Abu Abby na sinasakyan ni Simbulan noong Biyernes Trese sa Commonwealth Avenue na tinaguriang killer highway.

“Bakit ang mister ko lang ang idinidiin sa kaso samantalang may naunang nakabangga sa taksi bago ito nasalpok ng bus na minamenho ng mister ko, pahayag ni Virgina sa isang presscon sa Quezon City kamakalawa.

Sa kabilang dako, hindi na interesado pang magsampa ng kaukulang sakdal ang pamilya ni Simbulan laban kay Espinosa dahil kahit nila gawin ito ay hindi na rin maibabalik pa ang buhay ng naturang beterang mamamahayag at proffesor.

Kaugnay pa rin nito, nabigo naman ang mga tauhan ng QCPD na madakip si Espinosa sa pinagtataguan nitong bahay sa Bicutan, Taguig matapos magkasa ng steakout dahil hindi ito namataan doon at pinaniniwalaang nakatakas na ito patungo sa hindi pa malamang probinsiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply