Kotse ni Matt Evans bumangga sa poste, bus

MASUWERTENG nakaligtas ang aktor na si Matt Evans matapos na sumalpok ang minamaneho nitong sasakyan sa isang poste ng Meralco at pampasaherong bus Biyernes ng madaling araw sa Quezon City.

Mabilis nakalabas si Evans sa kanyang kotseng Toyota Innova (ZJF-143) sa kabila ng pagkawasak ng unahang bahagi ng sasakyan.

Si Evans ay naging bida sa teleserye ng ABS-CBN na “Pedro Penduko.”

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Henry Se ng Traffic Sector 3 ng Quezon City POlice District, naganap ang insidente malapit sa harap ng Police Staiton 8 sa may P. Tuazon Avenue Baranggay Milagraosa, Project 4 sa nabanggit na lungsod dakong 2:45 ng mdaling araw.

Mabilis umano ang takbo ng kotse ni Evans nang iwasan nito ang isang lalaki na tumatawid sa kalsada hanggang sa mawalan ito nng kontrol at bumangga sa poste.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay umarangkada pa ito at nadamay ang nakahintong pampasaherong bus.

Dali-dali namang nakalabas sa kanyang kotse si Evans kasama ang isang babae na sumakay sa isa pang sasakyan at mabilis na umalis sa pinangyarihan ng insidente.

Sinasabing, lasing umano at amoy alak si Evans na pasuray-suray na lumabas sa kaniyang kotse.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply