Krisis sa pagkain ‘di dapat pangambahan

NILINAW ng isang Philippine inventor na si Gonzalo Catan Jr., na hindi dapat pangambahan ang balitang pandaigdigang kakapusan sa pagkain at ang patuloy na pagtaas ng presyo, na unang inihayag ni Robert Zallick, pangulo ng World Bank sa isang pulong-balitaan na dinaluhan ng mga opisyal ng World Bank at ng International Monetary Fund sa Paris.

Ayon kay Catan, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines Inc., mapalad pa ang mga Filipino dahil ang bansa natin ay may malawak na lupain na pang-agrikultura na makapagbibigay ng sapat na pangangailangan sa ating pamumuhay.

Idinugtong pa ni Catan any makaliligtas ang bansa sa panganib na tinukoy n glider ng World Bank kung makukumbinsi ng gobyerno ang maraming mamumuhunan na mag-invest sa agrikultura.

Ipinalalagay ni Catan na ang organic farming ay isa sa mga dahilan sa inaasahang pag-angat ng ani ng palay sa kasalukuyang taon.

Karugtong nito, sa isang pahayag ng Department of Agriculture (DA), ang bansa ay aangkat ng 7.6 toneladang bigas.

Ito ay mas mataas ng 15 porsyento sa 6.6. tonelada na inani noong 2010.

Ngunit ang pinakamahalagang dahilan ay ang pagdadagdag ng 9.6 porsyento sa lupaing sakahan.

Isa itong malaking karagdagan sa kasalukuyang 1.82 milyong ektarya na tinamnan noong 2010.

Ang karagdagang ani na ito ay inaasahang magbibigay-daan sa pagpapapigil ng ating pagbili ng bigas sa ibang bansa.

Inaasahan na tataas pa ang produksyon ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng higit na epektibong sistema ng patubig, pagtatayo ng karagdagang post-production harvest facilities, pagsasagawa ng farm-to-market roads, lalong higit sa ka-Mindanaoan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply