KTV na front ng prostitusyon sinalakay ng pulisya

UMABOT sa 19 na kababaihan ang inaresto ng Marikina Police matapos salakayin ang isang KTV Bar na front umano ng prostitution sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina city chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez ang mga nasakote na sina Anne Perez, 21, Athena Santos, 28, Nicole Cruz, 21, Ayesha Celedonio, 24, Azumi Benitez, 19; Chesca Emaas, 19, Rica Cruz, 23, Mikaela Abalos, 21, Arlene Tubay, 29, Arvelyn Deguangco, 20, Irene Fajardo, 26, pawang ng Antipolo City; Faith Alfonso, 19, Crisna Saw, 21, Rosemarie Cleofas, 24, pawang ng Marikina City; Savannah Mil, 21, ng Pasig City; Paula Benitez, 22, ng Rodriguez, Rizal; Maria Fe Maracia, 22, Liyana Cruz, 21, ng San Mateo, Rizal; at ang floor manager na si Sofia Sumastre, 40, ng  UE Village, Cainta, Rizal.

Sa ulat, dakong 1:21 ng medaling araw ng salakayin ang Pot of Gold KTV bar na matatagpuan sa #51B Gil Fernando Avenue, Brgy. San Roque, Marikina City.

Nabatid na nagpanggap na kostumer ang isang pulis at nang nasa loob ng nasabing KTV Bar ay inalok ng floor manager ng panandaliang aliw sa halagang P1,500.

Habang idinadaos ng  isang GRO at nang kostumer ang kanilang makamundong pagnanasa ay siya namang pagsalakay ng mga pulis at naaktuhan si Perez na nakikipagtalik.

Nauna rito maraming reklamo ang natatanggap ng City council kaugnay ng operasyon ng KTV Bar kung kaya’t agad na inatasan ang bagong talagang hepe para ipatigil ito.

Gayunman, ang mga nahuling GROs at floor manager ay pinakawalan matapos na “for further investigation” ang desisyon ng piskalya rito. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply