Kumatay sa misis na parak most wanted na

ISANG dating kagawad ng Philippine National police na pumatay sa kanyang asawa na isa ring miyembro ng PNP ang isinama na sa listahan ng mga most wanted person sa bansa at may patong sa ulo na P95,000 base sa memorandum circular ng Department of the Interiors and Local Government (DILG).

Nanatiling nagtatago at pinaghahanap ng batas ang suspek na si PO2 Karl Lou Tejano na inakusang pumatay sa misis nitong si PO2 Luchelle Luchavez Tejano, noong  Setyembre 2005  sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sambag I, Cebu City.

Mistulang kinatay ng suspek ang biktimang si Luchelle na noon ay nakatalaga sa  Family, Juvenile and Gender Sensitivity Section, Police Regional Office (PRO) 7 sanhi ng 21 saksak sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing ilang ulit nang humiling na mailipat ito mula Pagadian, Zamoanga papuntang Cebu upang makaiwas lamang sa pagmamaltrato ng kanyang asawang pulis din.

Subalit sumunod pa rin si Karl Lou, hanggan sa  Cebu hanggang sa naganap ang krimen na isinampa sa Cebu City  Regional Trial Court Branch 7.

Nag-alok din ang pamilya ni Luchelle ng P100,000 pabuya sa ikadarakip ni Karl Lou na hinihinalang nagtatago sa area ng visayas at Mindanao matapos magtago makaraang maisagawa ang krimen.

Agad namang ipinakalat ng  PRO 7 ang pinakahuling DILG memorandum, sa lahat ng kanilang field units sa Central Visayas Mindanao kung saan tubong Zamboanga City ang pakay ng manhunt operation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply